Nais Mo bang Magtayo o Magsimula ng Negosyo sa Estados Unidos? Puede ang E-2 Visa Para Sa Iyo!

Ang ideya ba ng pagsisimula ng iyong sariling negosyo ay isang bagay na palagi mong naiisip? Kung ganun nga, pareho tayo! Dahil hindi ako isang green card holder, hindi ko naisip na isang opsyon para sa akin ang magtayo ng sariling negosyo dito sa Estados Unidos. Hindi rin ako nahikayat na mag-apply para sa kategorya na EB-5 green card dahil $1 milyon dollar na investment ang kinakailangan.

Nang ako’y naging isang abogado, mabilis ko na natanto na ang E-2 Treaty Investor Visa ay ang perpektong opsyon para sa akin.  Ang mga pangunahing benepisyo ng E-2 Visa ay:

  1. Wala itong taning (maaaring i-renew hanggang kailangan);
  2. Maaari mong dalhin ang iyong pamilya para tumira at magtrabaho dito sa US; at
  3. Ang relatibong maliit na halaga ng pamumuhunan na kinakailangan.

Sa katunayan, ang iyong pangarap ng pagiging may-ari ng isang negosyo sa USA ay maaaring maging isang katotohanan sa pamamagitan ng paggastos ng kasing liit ng $15,000. Mababasa mo sa natitirang bahagi ng post na ito ang lahat ng mga pangunahing pangangailangan o requirements para sa isang E-2 Visa at ang ilan sa mga karaniwang isyu.


Para sa aming serbisyo para sa E-2 Visa mag-click dito.

Kumuha ng mga kasagutan sa mga pinaka-karaniwang tanong ukol sa E-2 Visa sa pamamagitan ng pag-click dito.


  1. Kailangan na ikaw ay mamamayan ng isang bansa na may kasunduan (Treaty) sa Estados Unidos

Ang E-2 Investor Visa ay para lamang sa mga tao mula sa mga bansa na may isang Treaty sa Estados Unidos. Maraming mga bansa sa Kanluran ang nasa listahan pero may mga bansa mula sa Africa, Asia at Middle East din sa listahan. Ang Israel ay kamakailan lamang idinagdag sa listahan. Ang isang kumpletong listahan ng mga bansa na nasa listahan ay matatagpuan dito. Kung ikaw ay isang UK national, kailangan ka ring isang residente ng British Isles para makapag-apply. Bilang mamamayan ng Pilipinas, isang bansa na may kasunduan sa Estados Unidos, maaari kang mag-apply para sa Visa na ito.

2. Kailangan mo na namuhunan o maging aktibo sa proseso ng pamumuhunan sa isang negosyo

Para matugunan ang pamantayang ito, kailangan mong matupad ang tatlong mga kinakailangan:

i) Ipakita na ikaw ay may lehitimong pagaari at kontrol ng pondong pampuhunan

Kailangan na ang pondo na pampuhunan ay nakuha mo mula sa isang legal na paraan. Habang dolyar sa dolyar na accounting ay hindi kinakailangan, kailangan mong patunayan sa Gobyerno na ang pondo ay galing sa alinmang sources: inipon na pera (savings); natanggap na pera bilang regalo; o perang natanggap mo bilang suweldo.

Kailangan mong ipakita ang katunayan sa porma ng: pagbabayad ng buwis (tax return), statement ng bangko, pruweba ng investment accounts, at iba pa. Maaaring maging problema ito para sa mga mamamayan ng bansa kung saan hindi madaling makuha ang mga dokumentong ito o isang bansa kung saan mayroong mataas na antas ng katiwalian (corruption). Nang ako ay nag-apply, ang ipinakita ko ay 10 taon na halaga ng tax returns, ang aking kasalukuyang W-2, ang aking 401K investments at ang aking bank statements.


Para sa aming blog post ukol sa mga regalo o mga pautang at kung paano puwedeng gamitin ang mga ito sa E-2 Visa, mag-click dito.


ii) Ang lahat ng mga pondo pampuhunan ay “at-risk” & hindi mababawi (irrevocable)

Ang lahat ng mga pondo na pampuhunan ay kailangang personal at at-risk. Ang ibig sabihin nito ay ang puhunan ay kailangang pondo na maaring wala kang expektasyon ng pagbalik, at maaring hindi ka kumita. Para sa investment, maaring gumamit ng pautang (loan), ngunit dapat kang maging personal na responsable sa pautang at dahil dito, kailangan mong pumirma ng kontrata o gumastos ng pera bago maaprubahan ang iyong Visa.

Nang ako ay nag-apply, pumirma ako ng one-year lease para sa isang opisina at kinakailangang magbayad ng humigit-kumulang $24,000 kahit na ang Visa ay hindi pa naaprubahan. Ang at-risk na pondo ay maaring utang mula sa credit card o iba pang mga pautang at hindi sineguro ng mga ari-arian ng negosyo o sa pangalan ng negosyo. Ang probisyon na ito ay isa sa mga mas komplikadong pangangailangan ng E-2 Visa. Hinihikayat namin na kayo ay kumonsulta sa isang abogado tungkol dito.

iii) Kailangang malapit na magumpisa ang negosyo

Habang hindi ka maaaring magtanggap ng pera mula sa mga kliyente o gawin ang negosyo hanggang maaprubahan ang Visa, kailangan na malapit na sa pagsisimula o pagbukas ang iyong negosyo. Hindi aaprubahan ng Gobyerno ang mga Visa para sa mga taong “maaaring” mag-set up ng isang negosyo sa US o mayroon lamang “pagnanais” na magsimula ng negosyo. Kailangan ang negosyo ay nasa ready start-up phase, at maaring magbukas kaagad sa oras na ang Visa ay naaprubahan. Dapat kang mayroong naka-sign lease, naka set-up na bank account para sa negosyo, website para sa negosyo, at dapat na nabili na ang mga pangangailangan para magbukas ang negosyo.

3. Dapat kang nasa posisyon at may kasanayan na magpalago at mamahala ng negosyo

Upang makakuha ng E-2 Visa, kailangan na ikaw ay ang direktang mamamhala, magpapalago at magdidirekta ng negosyo. Kailangan mo rin ng angkop na mga kasanayan at karanasan upang mapaunlad ang negosyo.

Halimbawa, malamang hindi ka makakakuha ng E-2 visa kung nais mong magbukas ng restawran, ngunit ang tanging karanasan mo dito ay ang kumain sa isa. Kailangan mo ng karanasan sa pamamhala sa isang restawran at edukasyon na may kaugnayan sa pamamahala ng restawran. Para makakuha ng E-2 Visa, kailangan ang iyong edukasyon at mga karanasan ay magpapatunay na ikaw ay magiging matagumpay at maunlad sa iyong napiling negosyo.

4. Ang iyong Puhunan ay dapat “substantial” o malaki

Walang tiyak o tinukoy na halaga ng dolyar ang Gobyerno ng USA na kailangan mong i-invest sa iyong negosyo. Dahil walang minimum na halaga na isinaalang-alang, ang inyong puhunan ay maaaring maging kasing baba ng $15,000 o mas mahal pa sa milyon dolyar. Para sa aking E-2 petisyon, namuhunan ako sa paligid ng $50,000 ngunit $13,000 lamang ang ginugol ko para sa mga kagamitan, mga kasangkapan at iba pa. Idineposito ko rin ang $35,000 sa bank account ng negosyo bilang operating capital.

Dapat mong tandaan na hindi tinuturing ng Gobyerno na pamumuhunan ang lahat ng pera na nasa bank account, pero maaari nilang ituring na parte ng puhunan ang pera na nasa bangko para sa working/operating capital. Ang maliit na investment ko ay sapat dahil ang aking itinayong negosyo ay isang nagbibigay ng serbisyo (service-oriented) at kadalasan, walang masyadong gastos upang i-set up ang ganitong tipo ng negosyo.

Halimbawa, kung ang negosyo mo ay pagawaan ng kotse, ang kinakailangang halaga ng pamumuhunan ay mas malaki, kapag ikinumpara sa aking negosyo. Dapat mong tiyakin na ikaw ay may rekord ng lahat ng iyong mga gastusin dahil kailangan mong ipakita sa gobyerno ang mga ito. Kung nais mong magbasa ukol sa laki ng puhunan, mag-click dito.

5. Ang iyong puhunan at negosyo ay kailangang hindi lamang bumubuhay sa iyo at iyong pamilya  

Upang matanto ang pangangailangan na ito, kailangan mong ipakita na ang negosyo ay kumukita ng pera na higit pa sa sapat lamang para sa iyo at iyong pamilya. Kailangan mong ipakita na lalago ang negosyo at ikaw ay magpapasahod ng mga empleyado. Maaari mo itong ipakita sa pamamagitan ng isang plano sa negosyo (business plan) na nagpapakita ng paglago sa loob ng 5 taon o sa pamamagitan ng pagpapakita na balak mong kumuha ng mga empleyado at magpasahod. Maaari mong malaman ang higit pa tungkol dito sa pamamagitan ng pag-click dito.

6. Kailangan mo ng intensyon na bumalik sa iyong bansa pagkatapos ng Visa

Ang kailangan mong gawin ay pumirma ng isang dokumento na nagpapahiwatig na balak mong bumalik sa iyong bansa sa sandaling mag-expire ang iyong Visa. Hindi tulad ng iba pang mga Visa, para sa E-2 Visa, karaniwan ay hindi mo na kailangang ipakita ang anumang mga pruweba na magpapatunay na hindi ka mananatili sa US pagkatapos ng iyong Visa. Ngunit, aming iminumungkahi sa aming mga kliyente na maghanda ng patunay tulad ng proof of assets, titulo ng pag-aari, atbp.

Ang iyong asawa at pamilya ay maaari ring makakuha ng E-2 visa at makasama sa iyo dito sa USA. Ang iyong asawa ay maaaring makakuha ng employment authorization at maaring magtrabaho sa US nang legal. Alamin ang higit pa tungkol dito sa pamamagitan ng pag-click dito.


Ang E-2 Visa ay isang magandang opsyon para sa mga taong nais magsimula ng isang maliit na negosyo sa USA. Maraming mga kinakailangang ipakita para makakuha ang Visa na ito kaya’t masinsinan naming ipinapayo na humingi ng tulong ng isang abogado.

Ang aming law firm, Scott Legal, P.C., ay isang negosyo na itinaguyod bilang isang E-2 Visa company. Alam namin ang proseso dahil kami ay nag-apply para sa visa na ito at nagtagumpay. Dahil dito, kaya namin kayong gabayan sa buong proseso. Mag-click dito upang malaman ang higit pa. Maaari ka ring tumawag sa amin sa 212-223-2964 o email sa amin sa info@legalservicesincorporated.com.

Mag-click dito para sa PDF na bersyon.

Mag-click dito para sa iyong libreng White Paper na nagbubuod ng mga Pinaka-karaniwang Tanong at Sagot ukol sa imigrasyon (Immigration FAQs).


Si Ian E. Scott ay isang Harvard Law School graduate, abogado at may-akda ng Law School Lowdown: Secrets of Success from the Application Process to Landing Your First Job. Maaari mong ma-access ang blog para sa aklat na ito sa pamamagitan ng pag-click dito. Nagtrabaho si Mr. Scott bilang isang corporate litigator sa law firm Cleary Gottlieb at kasalukuyang nagpapatakbo ng kanyang sariling law firm Scott Legal, P.C. na tumutulong sa mga kliyente para sa Imigrasyon at New Business Set-Up.


May tanong ba kayo tungkol dito o iba pang katanungan ukol sa imigrasyon? Mag-email sa atorregoza@legalservicesincorporated.com para makausap ang isang Pilipinong abogada na nagsasalita ng iyong wika. Nais naming makarinig mula sa inyo!

Post a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*